Pagninilay
Hanggang ngayon ay di pa din ako makapaniwala na buhay pa ako at naririto upang ibahagi ang kuwentong ito. Dalawa lang kasi ang magiging resulta ng naging karanassan ko nitong Sabado ng gabi, nagpapagaling ako sa isang pagamutan o di kaya ay pinaglalamayan na ng aking pamilya at malalapit na mga kaibigan. Heto ang buong pangyayari nitong ika-tatlo ng Setyembre, Sabado... Ilang minuto lang ang aking hinintay bago ako nakasakay ng bus ng biyaheng Monumento, nais ko sanang mag abang ng masasakyan na diresto na ng bayan ng Marilao sa Bulacan ngunit nainip ako. Nakaupo ako sa may tapat ng pintuan, katwiran ko para mapadali din ang aking pagbaba. Ako ay nakikinig ng mga awitin sa radyo, nakapasak ang ear phones ko sa aking tenga at magiliw na sinasabayan sa aking isip ang kanta ni Michael Johnson. Iniisip ko ang oras na muling makita ang aking asawa at dalawang anak. Nakadungaw ako sa labas ng bintana habang nilalakbay ang kahabaan ng EDSA. Pumara ang dalawang lalaki, edad mg...