Posts

Showing posts with the label londonparalympicgames britishembassy trevorluis philspada michaelbarredo runforpinoyglory

Run For Pinoy Glory para sa Paralympians

Pinarangalan ng British Embassy sa Pilipinas ang siyam na Pinoy na  sumabak sa nakaraang 2012 Paralympic Games na ginanap kasabay ng  paglulunsad ng final leg ng Run For Pinoy Glory series noong Martes ng  gabi sa SM Aura Premier sa Taguig City. Ang lungsod ng London ang siyang naging host ng 2012 Olympic at  Paralympic Summer Games noong nakaraang taon. Sabay na gugunitain ng  British Embassy sa Pilipinas ang unang anibersaryso ng legacy na  iniwan ng 2012 Games. Sina Andy Avellana, Martires Burce, Roger Tapia at Isidro Vildosola ng  athletics; powerlifters Adeline Ancheta, Achelle Guion at Agustin  Kitan; Josephine Medina ng table tennis at Beariza Ma Roble ng  swimming ang mga lumahok sa nakaraang Paralympic Games. Ang huling leg ng Run for Pinoy Glory, na may temang A Gift To Our  Filipino Paralympians, ay gaganapin sa Setyembre 8 sa Camp Aguinaldo  grounds lungsod ng Quezon. Ang kikitaan sa naturang patakbo, kasama ang naunang ...