Run For Pinoy Glory para sa Paralympians
Pinarangalan ng British Embassy sa Pilipinas ang siyam na Pinoy na sumabak sa nakaraang 2012 Paralympic Games na ginanap kasabay ng paglulunsad ng final leg ng Run For Pinoy Glory series noong Martes ng gabi sa SM Aura Premier sa Taguig City. Ang lungsod ng London ang siyang naging host ng 2012 Olympic at Paralympic Summer Games noong nakaraang taon. Sabay na gugunitain ng British Embassy sa Pilipinas ang unang anibersaryso ng legacy na iniwan ng 2012 Games. Sina Andy Avellana, Martires Burce, Roger Tapia at Isidro Vildosola ng athletics; powerlifters Adeline Ancheta, Achelle Guion at Agustin Kitan; Josephine Medina ng table tennis at Beariza Ma Roble ng swimming ang mga lumahok sa nakaraang Paralympic Games. Ang huling leg ng Run for Pinoy Glory, na may temang A Gift To Our Filipino Paralympians, ay gaganapin sa Setyembre 8 sa Camp Aguinaldo grounds lungsod ng Quezon. Ang kikitaan sa naturang patakbo, kasama ang naunang ...